Certified Man Hater

8:33 PM Hanaphinee 0 Comments

Hello everyone!

I have been so idle for the past months but today I am going to share with you guys literary pieces which I wrote few months ago. Well, I am not an excellent writer but I must say I am a seasonal writer by heart. What do I mean ? I am writing for the sake of expressing my thoughts, my feelings and of course for freedom! Usually I am writing stories and etc whenever my mind is being bombarded by many external factors that diverts my focus into something and by writing I feel completely free.

PS. Please be kind while reading my works.

Thank you! :p

.....................................................................................................................................................................

"Enough!"

Yan ang salitang gusto ko ipagsigawan sa mga kaibigan, ka-opisina at mga kakilala kong pinagpipilitang BITTER ako.

Bitter -- as in mapait pa ang nakaraan. Di daw ako maka-move on!

Huh?

Pero masaya naman ako sa buhay ko ngayon.

Yun nga lang minsan naiisip ko na parang may kulang.

Actually, di ko rin maisip kung bakit may parte ng kaligayahan ko ang nawawala. Iniisip ko na lang na "It's all in the mind".

Nung di pa alam ng mga kaibigan ko ang kuwento ng buhay pag-ibig ko, napansin nila na Man Hater ako.

Halata daw sa mga pananaw ko at pananalita ko sa mga kalalakihan.

Aaminin ko,
naging mailap ako sa lalake mula ng College dahil sa naranasan ko. Ngunit wala naman akong magagawa kung ito naman talaga ang nararamdaman ko.

Natatakot nga lang talaga ako na ilantad sa ibang tao ang katauhan ko. Pero ano nga bang kinakatakot ko? At para saan pa?
 
Una, wala ng ibang tao ang makakaintindi sa akin kundi ang sarili ko.
 
Di ko kailangan ang ibang tao,
ang opinyon nila,
ang pag-aaalala nila.
Malaki ang tiwala ko sa aking sarili na kayang-kaya ko ang lahat ng bagay.

Loner? Hindi naman. Di lang talaga ako open. Ika nga nila, very PRIVATE ang buhay ko and not open for Public.

Independent Woman.

Yan ang tinatak ko sa utak ko.

Maganda naman ang kinalabasan.

Nakapag-focus ako sa pag-aaral. Consistent top performer sa klase. Cum Laude pa.

Masasabi ko na nag-concentrate ako sa pag-aaral at sa pagawit. Dahil pareho ko namang minahal ang ginagawa ko.

Masaya nung una, dahil malaya ako sa ginagawa ko, feeling Magaling.
Feeling kaya ang lahat.
Feeling wala ng ibang taong katulad ko.
Pero baka nga tama ako - FEELING ko lang yun.

Dalawang taon ko din tiniis ang ganoong sistema sa buhay ko.

Dinis-able ko ang peripheral vision ko dahil ayoko siya makita saan mang lugar sa pinapasukang unibersidad.

Wala akong nililingon sa paligid ko. Sabihin na ng lahat na isnabera ako. Aba! Ayos lang. Di naman nila alam ang kuwento ng buhay ko.

At least, mas lumiit ang tiyansa na masasaktan ako, makakaramdam ng selos, at ng pagsisisi.

Effective naman ang strategy ko, for two years...

During my third year in college. Wala na akong ibang naiisip kundi ang studies at ang sinalihan kong organization sa school. Mas naging top priority ko ang org dahil nagaasam akong maging officer. Ang naging epekto - tamang marka lang. Bukod sa mahirap na ang mga courses, mas mahirap pagsabayin ang pag-aaral, pagtulong sa family business at pag-oorg.

Hanggang sa paunti-unting bumabalik ang memories ng past. Corny pakinggan diba?
Parang pang MMK. Pero totoo, yun talaga ang naramdaman ko.
Pakiramdam na parang may kulang sa buhay. Pero di ko pinansin.
Bahala na. Nageemote lang ako sa stress sabi ko sa sarili ko.

Then one day I saw him sa isang restaurant habang ako at ang aking best friend ay nagrereview sa exam.
 
May kasama siyang girl. Ka-college niya.
Maganda.
Maputi.
Maganda ang hugis ng katawan.
Mukhang may breeding.
 
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Parang paulit-ulit na minamartilyo hanggang maging pulbos ang pusong ito.
Di ako maka-concentrate sa binabasa ko.
Putlang putla na ako sabi ng kaibigan ko.
 
Paglingon ko sa may pintuan papalabas na sila pareho.
 
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nakita niya kaya ako? Sana hindi!

I hate it! Akala ko ba move on na ako?
Akala ko ba di na ako bitter!
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit pagdating sakanya naghihina ako?
 
Man Hater nang ituring wag lang niya makita na ganito ang epekto niya sa akin.
Sa buhay ko.
Sa personalidad ko.
 
Tamaaaaa naaaa!
 
Mag momove on na talaga ako.
 
Promise!
 
Siya nga pala ang ngalan ko pala ay Alice at dito nagtatapos ang aking kuwento.
 
 
 
 
 
 


 

You Might Also Like

0 comments: